Pinalagan na ni Pharnally Pharmaceutical Corporation corporate secretary at treasurer Mohit Dargani ang umano'y panggigipit ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga opisyal ng kumpanya kaugnay ng imbestigasyon sa sinasabing overprice na COVID-19 medical supplies na idiniliber sa gobyerno.

Sa isang television interview, inirereklamo ni Dargani ang umano'y hindi makatarungang pagtratosa kanila ng Senate Blue Ribbon Committee.

Tinangka pa umano ng mga senador na i-incriminate ang kanilang sarili. Nais din aniya ngSenado na maipakulong ang mga opisyal ng kumpanya nang ipaglaban ng mga ito ang kanilang karapatan.

Nilinaw din ng opisyal na walang kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa bilyun-bilyon nilang transaksyon sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

Sa pahayag naman ni Committee chairman Senator Richard Gordon, patas umano ang trato nila sa lahat ng resource person.

Wala rin aniya silang magagawa kung ipako-contempt nila si Dargani kung patuloy na magmamatigas na itago ang katotohanansa umano'y maanomalyang kontra ng kumpanya sa pamahalaan.