Iminungkahi ng Department of Health (DOH) na magpatupad ang pamahalaan ng pinakamabilis na proseso ng botohan sa 2022 national and local elections upang maiwasan ang posibleng hawaan ng COVID-19 sa mga polling precincts.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung mabilis ang magiging botohan ay hindi magkakaroon nang pagtitipun-tipon sa loob ng mga polling areas at maiiwasan ang hawahan ng virus.

“'Pag tingnan po natin, based on the characteristics ng virus, ang sinasabi magkakaroon ka ng close contact na definition kapag ikaw ay na-exposed sa isang tao ng 15 minutes or less,” ani Vergeire, sa Laging Handa briefing.

Gayunman, nang dumating aniya ang Delta variant, nawala na ang 15 minuto dahil napaka-transmissible o napakabilis na makahawa ng Delta variant.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

“Kaya ang atin pong rekomendasyon pagka ganito, soonest time possible. Pinakamabilis na proseso dapat, hindi dapat nagko-congregate, dapat mabilis ang proseso, maayos so,hindi magka-crowd ang mga tao kapag nangyari,” aniya pa.

Ang national at local elections sa bansa ay nakatakdang idaos sa Mayo 9, 2022.

Mary Ann Santiago