Nagbabadyang muli ang pagpapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas sa Martes ng ₱1.10 hanggang ₱1.50 ang presyo ng kada litro ng gasolina, ₱0.50-₱0.60 sa presyo ng kerosene at ₱0.30-₱0.40 ang idadagdag sa presyo naman ng diesel.

Ito na ang ikasiyam na linggong bugso ng oil price hike simula noong Agosto 31.

Ang napipintong price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

Noong Oktubre 19, huling nagtaas ng ₱1.80 sa presyo ng gasolina, ₱1.50 sa diesel at ₱1.30 naman sa kerosene.

Bella Gamotea