Matapos ang apat na oras na search and rescue operation, nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlong mangingisda matapos masiraan ng bangka sa Benham Rise sa Pandan, Catanduanes, kamakailan.
Natagpuan ng PCG ang nawawalang mga mangingisda na sina Romeo Bernardo, 59; Freddie Lubiano, 54; at Glen Lopez, 44, habang lulan ng F/B CA Benedict Uno.
Idinahilan ng boat captain na si Lubiano, pumalya ang motor ng kanilang bangka habang sila ay pauwi sa Barangay Napo, Pandan, Catanduanes matapos ang kanilang pangingisda sa bahagi ng Benham Rise.