CEBU CITY-- Bumisita sa Cebu si dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nitong Biyernes, Oktubre 22.

Sinalubong si Marcos ng isang grupong ng mga taong sumusuporta sa kanya sa old Mactan-Mandaue Bridge. Dumating si Marcos sa Cebu dakong alas-9 ng umaga at umattend sa pagbubukas ng headquartes para sa kanyang kampanya.

Isang malaking tarpaulin na may nakasulat na "Bongbong Marcos 2022" ang nakasabit sa labas ng headquarters, na nakabase sa Bgy. Barrio Luz sa Cebu City.

Nag-courtesy call din si Marcos kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia sa the Capitol. Mula sa Capitol, umattend ng misa si Marcos sa Capitol Parish Church sa Bgy. Kamputhaw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Calvin Cordova