Nalagpasan na umano ng Pilipinas ang bagsik ng Delta variant ng coronavirus disease 2019.

Ito ang pahayag ni vaccine czar at National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez at sinabing nagawang malabanan ng pamahalaan ang virus sa pamamagitan ng pagpapatupad ngsafety protocols.

Ang pahayag ay inilabas ni Galvez matapos nilang salubungin ang pagdating sa bansa ng698,600 doses ng AstraZeneca vaccine na binili ng pribadong sektor sa ilalim ng "Dose of Hope" program, nitong Biyernes ng umaga.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

Naiulat na mula sa 20,000 kaso kada araw nitong nakaraang Agosto, ang panahon nang maramdaman ang epekto ng Delta variant, bumaba na ang kaso nito nang maitala ang aabot sa 4,000 kaso nitonglinggo.

Paliwanag naman ng OCTA Research group na nagkaroon naman ngnegative growth rate ng infections sa lahat ng lungsod at munisipalidad sa Metro Manila ngayong linggo.

Sa kaso naman ng pagkakatuklas sa bagong mutation ng Delta na "Delta Plus" sa United Kingdom na pinangangambahang mas lalo nakahahawa at mapanganib, sinabi ni Galvez na wala pa silang natatanggap na impormasyon sa usapin.

Gayunman, ipinaliwanag nito na pinaghahandaan na nila ito sa pamamagitan malawakang pagbabakuna.

Martin Sadongdong