Itinatag lamang ngayong 2021, lalahok sa unang pagkakataon ang Negros Occidental Beach Volleyball Club sa Beach Volleyball Republic (BVR) On Tour na idaraos sa Sta.Ana, Cagayan.
Magsisilbing kinatawan ng Negros Occidental sa dalawang legs na idaraos sa loob ng bubble environment sa Oktubre 21-24 at Oktubre 28-31 sina Bianca Lizares ng Team Delimondo at MJ Ebro.
Nakapaglaro na dati ng beach volleyball si Lizares bilang bahagi ng Sta. Lucia at Creamline sa Super Liga at naging podium finisher din sa BVR on Tour Bantayan Island leg noong 2018.
Dati namang manlalaro ng beach volleyball para sa Cignal HD si Ebro at produkto ng matagumpay na University of Santo Tomas beach volleyball program.
Inaasahang magpapakitang-gilangang koponan ng Negros Occidental sa kanilang pagdayo sa nasabing bayan (Sta. Ana) na ipinagmamamalaki ang kanilang white beach na maihahalintulad sa Boracay.
Marivic Awitan