Sa pagsisiwalat ni Aljur Abrenica sa kaniyang side story kung bakit sila naghiwalay ng misis na si Kylie Padilla, at pag-aakusa rito na ito umano ang naunang mangaliwa, muling lumutang ang isyu na nagsasangkot kay Kapamilya actor JM De Guzman bilang isa sa mga lalaking nauugnay kay Kylie.

Muling naungkat ang isyung inispluk ng social media personality na si Albert 'Xian' Gaza, na umano'y si JM De Guzman ang isa sa mga nauugnay kay Kylie, bukod pa sa mayayamang negosyanteng nanliligaw sa ex ni Aljur.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/19/xian-gaza-may-pasabog-sa-hiwalayang-aljur-at-kylie-kapamilya-actor-dinawit-sa-isyu/">https://balita.net.ph/2021/10/19/xian-gaza-may-pasabog-sa-hiwalayang-aljur-at-kylie-kapamilya-actor-dinawit-sa-isyu/

Ngunit noong Hulyo 2021, nilinaw na ni Kylie na walang namamagitan sa kanila ni JM at magkaibigan lamang silang dalawa.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Totoo po ba na kaya mo iniwan si Aljur dahil high maintenance ka po at di afford ni Aljur luho mo? Tapos maraming mayayaman ang nanliligaw sa you pati mga artista at isa dun si @1migueldeguzman? Yun po kasi ang sabi ni Xian Gaza eh. Salamat po," tanong sa kaniya ng isang net

Tugon niya, “Magkaibigan lang kami ni JM. This is not true.”

BASAHIN: https://mb.com.ph/2021/07/14/kylie-padilla-denies-supposed-romance-with-jm-de-guzman/

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo ni Kylie o sa kampo ni JM tungkol dito.