Sa darating na Nobyembre 2021 ay tiyak na umano ang kasalan nina Ellen Adarna at Derek Ramsay, pagkatapos nilang ihayag noon na magaganap ang kanilang kasal bago matapos ang taon.

Kung sikreto ang araw ng kasal, lihim din kung saan ito gaganapin bagama't ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, isa itong 'destination wedding' na gaganapin sa isang resort na malayo sa Metro Manila.

Mistulang pahulaan sa mga netizens kung saan ang venue ng kasal, bagama't may nagsasabing baka raw ito ay sa Balesin Island Resort, kung saan ginanap ang ilang makasaysayang kasal ng ilang celebrities. Base sa deskripsyon ng lugar, ang venue raw ay isang bulubunduking lugar overlooking sa beach sa bandang ibaba at tumutugma ito sa description ng nasabing resort.

'Yun nga lang, limitado lamang umano ang inimbita sa kanilang dream wedding, at ilan lang dito ay ang mga ninong at ninang, ilang malalapit na kaibigan mula sa showbiz at mga pamilya.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Kung maraming natutuwa sa kanilang pagpapakasal, hindi rin maiwasang may mga bashers na kumokontra, gaya ng isang basher na nagkomentong maghihiwalay rin sila sakaling sila'y maikasal.

Nauna rito, ibinahagi ni Ellen sa kanyang Instagram nitong nakaraang Oktubre 13 ang prenup video nila ni Derek na nakasaad sa post ay ' teaser ', kung saan umani na ng lagpas one million views at 2,600 comments.

Pero sa dami ng nagkomento rito, hindi pinalampas ni Ellen ang basher na kumuda na “Based on my judgment po ha, maghihiwalay din ito after a few years. But hoping na mali yung judgment ko.”

Agad ding sinoplak ni Ellen ang nasabing basher.

Sey ng sexy actress, “Based on my judgement po din ha, mamamatay ka rin a few years. But hoping na mali ang judgment ko.”

Buwelta pa ni Ellen sa kanya, “Based on my judgement so will you. Charaught!”

Natameme na lang ang nasabing basher at di na sumagot.

Buwelta naman ni Derek sa basher: “Wrong move.''

Ador V. Saluta