BANGUED, Abra-- Natimbog na ng Philippine Drug Enforcement Agency-Abra ang matagal na nilang sinusubaybayan na empleyado ng Department of Education na sangkot sa pagbebenta ng shabu sa Bangued, Abra.

Sinabi ni PDEA Regional Director Gil Castro, ang nadakip ay nakilalang si Jersey Pat Barbero, disbursing officer ng DepEd-Abra at residente ng Barangay Cabaroan, Bangued, Abra.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon kay Castro si Barbero ay itinuturing na High Value Target ng PDEA.

Sa ulat, noong Oktubre 18 dakong alas-5:40 ng hapon ay nagpanggap na poseur-buyer ang isang intelligence officer ng PDEA at naganap ang buy-bust operation sa Rizal street Bgy. Kabildatan Zone 7, Bangued,Abra.

Nakuha sa suspek ang may humigit-kumulang na 1.3 gramo ng shabu na may Standard Drug Price na P9,300, buy-bust money, at service nitong  NMAX V2 grey motorcycle.

Zaldy Comanda