Matapos ang coronation ng Miss South Africa 2021 kung saan nagsama-sama ang ilang Miss Universe queens bilang judges at hosts, inulan naman ng online tags ang aktres na si Aiko Melendez matapos mapansin ng netizens ang kahawig nitong titleholder.

Hindi na napigil ni Aiko na i-address ang netizens na nagta-tag sa kanya sa larawang makikita sa isang frame sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ang reigning Miss Universe 2020 na si Andrea Meza.

Larawan mula sa Miss South Africa Organization

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Para sa mga netizens kasi, ang aktres ay kahulma umano ng Andrea.

“Ok fine claim ko na Hindi ako si Ms Universe ♥️ ahahaahha How I wish! Kahawig ko lang,” pabirong sabi ni Aiko.

“Same initials lang kami. AM for Aiko Melendez from Quezon Citeeeeey!” nakakaaliw na dagdag niya.

Sa comment sections, ilang fans din ang inakalang si Aiko nga ang kasama ni queen P sa larawan.

Nagkasama sa finals night sina Pia at Andrea bilang dalawa sa panel of judges ng Miss South Africa 2021.

Nagsilbi namang backstage host si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa parehong event.