Naaresto ng mga pulis ang magpinsang isang babae at lalaki nang mahulihan ng₱1.2 milyong halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation sa Navotas City, kamakailan.

Nakakulong na sa Navotas Police Station sinaLean Balauro, 32 at Dave Avila, 25, kapwa taga-C.Perez Samotom, Barangay Tonsuya, Malabon City.

Sa ulat ng pulisya, naglunsad ng operasyon ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Navotas Police sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA) sa C-4 Road, Barangay Bagumbayan, North Navotas, dakong 10:53 ng gabi na ikinaaresto ng dalawang big-time drug pushers.

Nasamsam sa dalawa ang150 gramo ng shabu at marked money, ayon sa mga awtoridad. Nahaharap na sina Balauro at Avila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Orly Barcala