Natanong si Asia's Multimedia Star Alden Richards ng press sa ginanap na media conference sa kaniyang contract renewal sa GMA Network at GMA Artist Center, kung sa estado ngayon ng showbiz career niya na siya na ang itinuturing na 'idol' ng mga baguhang artista, mayroon pa ba siyang artista o mga artistang hinahangaan o aminadong 'fanboy?' siya?

Loveteam ang isinagot ni Alden, at matagal na niyang binabanggit, na hanggang ngayon ay fanboy pa rin siya ng tambalang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

After John Lloyd Cruz, BrightLight reveals meeting with Bea Alonzo – Manila  Bulletin
John Lloyd Cruz at Bea Alonzo (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Kasi sobra ko pong idol ang dalawang iyon and to be given an opportunity to work with them in a project, aba po, let’s go, ngayon na! Kahit bukas na po ang quarantine, game po ako.”

At ngayong nasa Kapuso Network na si Bea at freelancer naman si JLC na gagawa umano ng sitcom sa network, hindi imposible na magsama-sama sila sa isang teleserye o iba pang proyekto.

Sina Alden at Bea ay nakatakdang magtambal sa isang pelikula, na Filipino adaptation ng isang South Korean movie na 'A Moment to Remember'. Tiniyak ni Alden sa kanilang mga tagahanga na matutuloy ito.

Full-force physically at virtually ang GMA Network at GMA Artist Center bosses sa renewal ng kontrata ni Asia's Multimedia Star Alden Richards na ginanap nitong Oktubre 15 sa EDSA Shangri-la Hotel.

Ang ibang mga big bosses, kabilang ang bagong consultant na si Johnny 'Mr. M' Manahan, ay present sa pamamagitan ng Zoom.