JAKARTA, Indonesia-- Tatlo ang namatay nitong Sabado dahil sa lindol na tumama sa Bali, isang Indonesian tourist island, ayon sa disaster agency.

NIyanig ng 4.8-magnitude ang lugar na may lalim na 10 kilometro sa hilagang silangan ng bayan ng Banjar Wanasari. 

Dalawa ang namatay nang magkaroon ng landslide dahil sa lindol habang ang isa naman ay namatay sa port town ng Karangasem, ayon sa mga opisyal.

“The quake was felt strongly for five seconds,” ayon kay disaster agency spokesman Abdul Muhari.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

“People were panicking and ran from their houses when the quake hit.”

Agence-France-Presse