Aabot sa 17 kilo ng pinaghihinalaang marijuana na nagkakahalaga ng   2,040,000 ang nakumpiska sa apat na umano'y drug pusher sa Makati City, nitong Oktubre 15.

Inanunsyo ni Southern Police District (SPD) Director, Brig. General Jimoli Macaraeg ang pagkakaaresto nina Carlo Nicol, 23; Guian Franco Taneo, 30; Jorry Molate, 50; at Camela Salibio, 57, pawang taga-Makati City.

Sa imbestigasyon ng Makati City Police, inaresto ang apat sa ikinasang buy-bust operation ng Makati Drug Enforcement Unit at Intelligence Section sa Block 316, Lot 10, Maya St., Brgy. Rizal, dakong 6:30 ng gabi.

Nakabili umano ang police poseur buyer ng pinaghihinalaang marijuana na nagkakahalaga ng ₱80,000 sa apat na suspek.

Nasamsaman ang mga suspek 17 bricks ng pinatuyong marijuana, dalawang travelling bag at marked money.

Politics

SP Cayetano, sinulatan mga senador; impeachment court magko-convene sa Mayo 18

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa apat.

Bella Gamotea