Mahigit sa₱1 bilyon ang napinsala mula sa sektor ng agrikultura ng bagyong Maring, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sa ulat ngDisaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) ng DA, nasa₱1.17 bilyonang nasirang pananim matapos malubog sa tubig-baha ang libu-libong ektaryang sakahan saCordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA (Mindoro-Marinduque-Romblon-Palawan), Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, at SOCCSKSARGEN (South Cotabato-Cotabato-Sultan Kudarat-Sarangani-General Santos City).

Sa datos ng DA, naapektuhan ng nasabing bagyo ang 40,225 na magsasaka at mangingisda sa nabanggit na mga lugar.

Sa kabuuan, aabot sa 68,693 metriko toneladang farm commodities mula sa agrikultura at sektor ng pangisdaang nasira.

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

Gayunman, tiniyak ng DA na ilalabas ng ahensya ang bahagi ng kanilangQuick Response Fund (QRF) na nagkakahalaga₱650 milyon na ipapautang sa mga magsasaka at mangingisda upang magamit sa kanilang pagbangon mula sa kalamidad.

Sampung taon ang ibinigay ng pamahalaan upang mabayaran ng mga mangingisda at magsasaka ang₱20,000 na pautang sa mga ito.

Madelaine Miraflor