Sampung oras matapos mag-premiere ang comeback single ng Grammy-awarded singer na si Adele, certified trending na agad ito sa ilang streaming sites nitong Oktubre 1, Biyernes.

“Easy On Me” ang pamagat ng panibagong single ni Adele na inabangan ng milyon-milyong fans sa buong mundo.

Sampung oras lang matapos ang premiere sa streaming site na Youtube, nasa Number 8 Trending For Music na agad ito sa Pilipinas.

Sa pag-uulat, tumabo na sa halos 19 million views ang official music video nito at inulan din ng nasa 100,000 comments.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Positibo naman ang naging pagtanggap ng followers ni Adele sa bagong single.

“This song is like a free therapy. The vocals are so relaxing and the beat is such a vibe. What a masterpiece,” komento ng isang fan.

“Adele is literally killing me with this masterpiece, the Queen is back.”

“A true artist, indeed. Her story is about forgiveness, it is so pure. Congratulations, Adele! Today I no longer listen to music, but my soul!”

“Been a fan of Adele since Chasing Pavements and no matter what she never fails to make me cry. love this song super pumped for the album. love you so much Adele.”

Nakatakdang irelease ang ikatlong studio album ni Adele, 30, sa darating na Nobyembre.

Taong 2016 nang huling maglabas ng kanta ang sikat na singer-songwriter.