Usap-usapan ngayon sa Twitter world ang isang video kung saan makikita sina Ivana Alawi at Marco Gumabao habang ka-bonding ang kanilang common friends habang nagbi-videoke.

Makikita isang bahagi ng video na tila magka-duet pa sina Ivana at Marco habang hinahataw ang isang kanta.

Pero ang mas ikinawindang ng mga Maritess, naispatang nakahawak ang isang kamay ni Marco sa makinis na binti ng sikat na sexy vlogger-actress!

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screengrab mula sa Twitter/Kapamilya Online World

Screengrab mula sa Twitter/Kapamilya Online World

Bakit naman daw hahawak sa binti ng isang babae ang isang lalaki kung wala silang mutual understanding, sabi ng mga Mosang!

Tanong ng marami: mag-jowa na ba sila? Well, wala naman sigurong masama dahil pareho naman silang single at walang sabit. Bagay rin umano sila dahil pareho silang hot at yummy!

Biro naman sa Facebook page na 'Senyora', tanungin daw kay 'Master Yen' kung anong level of friendship ba ang ipinakikita nina Ivana at Marco sa naturang video.

"Bat n'yo sa akin tinatanong kung mag-jowa ba? Baka naman may lamok lang o kaya naman as a friend? Tanong natin kay Master Yen kung anong level of friendship 'yan," saad sa caption, kung saan ang tinutukoy na Master Yen ay si Yen Santos.

Tiyak na sa mga susunod na araw ay puputaktihin ng mga Mosang at Maritess sina Ivana at Marco!