Positibo sa coronavirus disease (COVID-19) si First District Representative Gonzalo Dale "Along" Malapitan, anak ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan.

Sa kanyang Facebook account sinabi ng batang Malapitan, kandidato sa pagka-alkalde ng lungsod sa May 2022 election, nakaranas siya ng mga sintomas gaya ng ubo, lagnat, pananakit ng katawan kaya naman kaagad siyang nagpa-swab test.

Sa naging resulta, nagpositibo ang Kongresista bilang COVID-19 asymptomatic patient kaya naman kaagad siyang nagpa-quarantine.

Ayon kay Along, minabuti niyang mag-home quarantine dahIl puno na ang mga ospital ng mga pasyenteng may COVID-19, pero hindi daw dapat mag-alala ang kanyang mga taga-suporta dahil maayos naman ang kanyang kalagayan.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

Ilang araw na pahinga lamang daw ang kanyang gagawin at kukumpletuhin lamang niya ang araw para sa isolation at balik-trabaho na siya.

Maging ang mga huling nakasama ng Mambabatas ay naka-isolate na rin.

Nitong buwan ng Setyembre ay nagpositibo rin si Mayor Oca sa COVID-19 at laking pasasalamat dahil hindi naman ito naging severe.

Ang batang Malapitan ay nagsumite na ng kanyang certificate of candidacy sa ilalim ng local party na Aksyon at Malasakit sa mayoralty position.

Orly L. Barcala.