Tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno na handa na ang lokal na pamahalaan na magbakuna ng mga menor de edad na nasa 12 hanggang 17-anyos laban sa COVID-19.

Ang pahayag ay ginawa ni Moreno sa isang pulong hinggil sa paghahanda para sa pagbabakuna ng naturang age group, na dinaluhan ng lahat ng pinuno ng mga departamento, kawanihan at tanggapan ng City Hall na ginawa sa Harbor View sa tapat ng Manila COVID-9 Field Hospital.

Kasama rin sa naturang pulong sina Vice Mayor Honey Lacuna na siyang namamahala sa mass vaccination program ng lungsod at Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan.

Sa nasabing meeting na unang pinangasiwaan nina secretary to the mayor Bernie Ang at city administrator Felix Espiritu, inanunsyo ni Moreno na may 50,000 kabataang edad 12 hanggang 17 ang pre-registered na sa  vaccination program ng lungsod.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ani Moreno, sa kasalukuyan, ang city government ay may 12,000 vaccines na naka-ready na para iturok sa mga menor-de-edad bukod pa sa ilalaan ng  gobyerno para dito.                                                       

“Ready na po ang Maynila sa deployment ng bakuna sa ating minors,” sabi ni Moreno.

Aniya pa,  ang go signal na lang ng national government ang hinihintay nila.

Samantala, sinabi naman ni Lacuna na hinihintay pa ng lungsod ang mga inorder na life-saving medicines para sa severe at kritikal na kaso ng COVID-19, dahil kakaunti na ang natitirang stock ng mga gamot. 

Ayon pa sa bise alkalde, ang Maynila ay matagal nang nagbibigay ng nasabing gamot sa mga pasyenteng nagmula sa lahat ng bahagi ng bansa, simula nang magdeklara at magpatupad ng ‘open policy’ ang kabisera ng bansa simula pa nang unang araw ng pandemya.

Nangangahulugan ito na  na nagbukas na ng pintuan ang lungsod kahit hindi sa taga-Maynila lalo na pagdating sa pagbibigay ng mga ng COVID-related services tulad ng vaccination, swab tests at mga kailangang-kailangang gamot.                 

                                        

Hinikayat ni Moreno ang mga magulang at guardians ng mga kabataan na edad 12 hanggang 17 anyos na irehistro ang kanilang mga anak o ginagabayan  upang kapag inaprubahan na ng  national government ang vaccination, ang mga nasabing kabataan ay agad na mababakunahan at magkakaroon ng proteksyon na kaloob ng bakuna.

Sinabi ng alkalde na ang mga nakatatanda o adults ay maaring magpunta sa kanilang records at i-click ang ‘add family’ at ilagay ang mga detalye ng menor-de-edad na miyembro ng pamilya. 

Mary Ann Santiago