Nakahanda umanong umatras si Senador Ronald dela Rosa sakaling magdesisyon si Davao City Mayor Sara Duterte na kakandidato sa pagka-pangulo sa darating na presidential election sa Mayo 9, 2022.

Si de la Rosa ay biglang naghain ng kanyang certificate of candidacy sa ilalim ng PDP-Laban Cusi faction katambal naman ni Senador Bong Go.

Sa isinagawang pulong-balitaan via zoom, sinabi ni Dela Rosa na kapag sumapi si Duterte sa PDP-Laban at tumakbong presidente, aatras siya at susuportahan niya ang alkalde.

Leonel Abasola