Trending ngayon sa social media ang isang pari na todo bigay sa pagsayaw ng bagong kanta ng mga K-pop group na Twice, Itzy, BTS, at solo ng Blackpink member na si Lisa.

Hindi lang magaling mangaral si Fr. Weng Palingon sa pagmimisa ngunit magaling rin sa sayawan.

Si Fr. Palingon ay mula sa Sultan Kudarat at nagsisilbing pangalawang kura paroko ng Parokya ng San Calungsod.

Sinimulan niya ang pagsasayaw sa pamamagitan ng TikTok dahil hindi sila nakakalabas dahil sa COVID-19.

Kahayupan (Pets)

Chimpanzee, 7 buwan kinarga naaagnas na labi ng namatay na anak bago binitiwan

I-upload niya sa kanyang TikTok account, na may username na @pdzwng, ang kanyang dance cover ng mga K-pop songs na "The Feels" ng Twice, "LOCO" ng Itzy, "Dynamite" ng BTS at "Lalisa" ng solo member ng Blackpink na si Lisa Manoban

Umabot na sa 194.4k likes ang cover ni Fr. Palingon sa Lalisa, 99.1 sa LOCO, 58.4k sa The Feels, at 4309 sa Dynamite.

Ni-release ng Twice ang kantang The Feels noong Oktubre 1 bilang kauna-unahang English single. September 24 naman nang inilabas ng Itzy ang LOCO, at September 10 naman ang solo debut ni Lisa.

Samantala, inaasahan naman na magre-release ang Twice ng kanilang pangatlong full-album sa darating na November.