Matapos nga ang pamamaalam ni Kabayan Noli De Castro bilang pangunahing news anchor sa flagship newscast ng ABS-CBN na TV Patrol para pasukin ang politika, maingay ang balitang papalitan umano siya ng dating news anchor din nito na si Karen Davila.

LOOK: Karen Davila returns to TV Patrol. Award-winning broadcast journalist Karen Davila is returning to 'TV Patrol' starting Monday (October 11) as one of the main anchors as ABS-CBN’s flagship newscast strengthens its mission to serve Filipinos worldwide with news and information that matter to them," ayon sa caption ng Facebook page na 'Kapamilya All-Access'.

Karen Davila – Manila Bulletin
Karen Davila (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi na bago si Karen sa TV Patrol. Sa kaniyang paglipat sa ABS-CBN, isa siya sa mga naging news anchors nito simula 2004 hanggang 2010. Nawala siya sa eksena nang bumalik sa Kabayan, matapos ang kaniyang termino sa pagka-pangalawang pangulo. Bagama't isa rin siya sa mga kinukuhang news anchors kapag on-leave ang isa sa mga orihinal na news anchors nito.

At nitong 2021, mukhang balik na siya sa TV Patrol. Ang tanong ngayon, sino naman ang papalit sa kaniya sa late night newscast na 'The World Tonight' kasama si Tony Velasquez?

Samantala, hindi pa rin tiyak kung sino nga ba ang papalit sa puwesto ni Kuya Kim Atienza para sa weather forecasting, bagama't matunog ang pangalan ni ANC sportscaster Migs Bustos.