Level up na talaga ang sikat na online seller at vlogger na si Daisy Lopez a.k.a 'Madam Inutz' dahil mukhang tuloy-tuloy na ang unti-unti niyang pagpasok sa mundo ng showbiz: ang latest, isa siya sa mga napiling celebrity housemate sa season 10 ng reality show na 'Pinoy Big Brother: Kumunity.'

Kaya naman sa #PBBBigCelebReveal, naipakita sa KUMU Live ang kaniyang pag-iimpake para sa pagpasok niya sa PBB house bilang official celebrity housemate.

Bagama't seryoso ngunit idinaan sa biro, tinanong ni Madam Inutz ang PBB staff na sumusundo sa kaniya kung pwedeng magdala ng 'dildo' sa loob ng bahay ni Kuya.

Ani Madam Inutz: "Dapat maraming dala… Pwedeng magdala ng dildo do'n? Kasi nariyan ang dildo ko… Reality show 'yon, syempre kailangan totoo."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May be an image of 1 person and text that says 'O 964 daisyinutz 70 75K kumu alventura05 joined sanelranoco joined technicianaquino Shout out madam sugarmhe pa shout out po madam agnescomia sent Halo halo ×1 angelo_ new'
Daisy Lopez/Madam Inutz (Larawan mula sa FB)

Isa na nga siya sa mga opisyal na celebrity housemate na talaga namang inaabangan dahil nakilala siya sa pagiging 'totoong tao' lalo na kapag siya ay nagla-live selling.

Mas lalo siyang napamahal sa publiko nang malaman nila ang kuwento ng buhay nito: na ginagawa nito ang lahat ng pagsisipag para sa anak, at sa kaniyang inang bedridden.