Sa layuning maibalik ang ‘unifying leadership’ sa bansa, pormal nang naghain si dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ng kanyang kandidatura sa Commission on Elections (Comelec) para sa May 9, 2022 presidential elections.

Bago magtanghali nitong Miyerkules nang magtungo sa tanggapan ng Comelec sa Harbor Garden Tent ng Hotel Sofitel sa Pasay City si Marcos na tatakbo sa pagka-pangulo sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

Si Marcos ay sinamahan ng kanyang maybahay na si Atty. Louise Marcos, at dalawang anak na sina Ferdinand Alexander at Joseph Simon sa paghahain ng COC.

Nauna rito, nitong Martes ay nag-Facebook Live si Marcos at pormal na inanunsyo ang planong lumahok sa presidential race sa susunod na taon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“I am today announcing my intention to run for the Presidency of the Philippines in the upcoming May 2022 elections. I will bring that form of unifying leadership back to our country. Join me in this noblest of causes and we will succeed. Sama-sama tayong babangon muli,” ani Marcos.

Mary Ann Santiago