Umamin na si AJ Raval sa real score sa pagitan nila ng aktor na si Aljur Abrenica, sa eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP Live nitong Martes ng gabi, Oktubre 5.

Kamakailan lamang ay iniintriga sila ng mga 'Maritess' matapos ang pagtatagni sa larawang topless ni Aljur habang nasa labas ng bintana habang nagkakape, sa naipakitang binata ng kaniyang kuwarto ni AJ, sa kaniyang vlog.

'Kilig-pechay' umano si AJ nang mabanggit ang pangalan ni Aljur, with matching takip ng bibig.

Diretsahang inamin ng young sexy actress na nagkakakilanlan sila ni Aljur, na nakasama niya sa pelikulang 'Nerisa', Hindi umano siya magpapaka-ipokrita kung sasabihin niyang hindi si Aljur ang tinukoy niya sa vlog na 'manliligaw na boyfriend material' habang kakuwentuhan ang kaibigang actress-vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Yes, siya. Nag-uusap kami. We understand each other. We care for each other," pag-amin ni AJ.

GOSSIP GIRL: Meet the newest Erotica Queen AJ Raval – Manila Bulletin
AJ Raval (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Aljur Abrenica chooses to be happy amid breakup with Kylie Padilla – Manila  Bulletin
Aljur Abrenica (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Subalit wala pa umano sa punto na magkarelasyon na sila, 'they are getting there' umano.

Itinanggi naman ni AJ ang mga lumabas na blind item ni Xian Gaza hinggil sa kanila ni Aljur: na nagpupunta umano si Aljur sa kanilang bahay, at may 'tikiman' nang naganap. Humingi naman umano ng pasensya si Gaza sa kaniya, na ginamit lamang umano ang isyu para mapag-usapan ang chismis app nitong 'Isyus'. Minabuti na lamang ni AJ na sabayan si Gaza.

Si AJ ay apat na buwan nang single matapos makipaghiwalay sa boyfriend na si Axel Torres, na nakarelasyon niya sa loob ng dalawang taon.

Si Aljur naman ay limang buwan nang hiwalay kay Kylie, bagama't hindi pa ito naipoproseso ng batas. Nitong Oktubre 1 ay nag-tweet si Kylie na 'wafakels' na siya kung may maiugnay na ibang babae kay Aljur. Malinaw umano sa kanila na maaari na silang makipag-date kahit kanino.

Samantala, wala pa namang pormal na pahayag si Aljur Abrenica hinggil sa pasabog na rebelasyon ni AJ.