Tinapos na ni action star Robin Padilla ang kaniyang pagmumuni-muni kung 'pelikula o politika' ba ang pipiliin niya, dahil nagdesisyon na siyang tumakbo bilang senador sa darating na halalan 2022.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/09/19/tanong-ni-robin-padilla-sa-taumbayan-pelikula-o-pulitika/">https://balita.net.ph/2021/09/19/tanong-ni-robin-padilla-sa-taumbayan-pelikula-o-pulitika/

Batay na rin sa pahayag ni PDP-Laban Secretary General Atty. Melvin Matibag, sabay na nanumpa ang magkapatid na sina Robin Padilla at Rommel Padilla bilang mga bagong miyembro ng PDP-Laban.

Tatakbo umano si Robin para sa pagkasenador sa ilalim ng naturang partido; ang kaniyang kapatid naman na si Rommel ay kakandidato umano bilang 1st District representative ng Nueva Ecija.

Relasyon at Hiwalayan

Hindi si Kyline? Pic daw ni Kobe na may ka-holding hands sa Bali, inintriga

Hindi pa malaman kung kailan magsusumite ng kanilang COC ang dalawa.