Nag-post na ng kaniyang larawan ang dating Kapamilyang si Kuya Kim Atienza kung saan nasa background niya ang GMA Network Center sa Kamuning, Quezon City, nitong Oktubre 4, 2021.

Kasama niya sa IG post ang dating Executive Producer ng 'Magandang Umaga Pilipinas' sa ABS-CBN na si Noel Ferrer, na kaniya ring manager at kaibigan.

"15 years of friendship. @iamnoelferrer was my EP in Magandang Umaga Pilipinas back in 2006 and my manager since. We've gone through thick and thin, good times and transitions that needed discernment, prayer and divine guidance. Here begins a new chapter of our friendship and search for excellence and purpose kumpareng Noel! Maraming salamat sa lahat," ayon sa caption.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kim Atienza at Noel Ferrer (Larawan mula sa IG)

Tumugon naman dito si Noel Ferrer:

"What a way to start a new chapter of our lives @kuyakim_atienza ! As we always say, everything goes so swiftly if it’s God-appointed! We’ll always be here for each other Kumps!!! See you tomorrow!!!"

Marami naman sa mga dating kasamahan sa Kapamilya, at mga bagong makakatrabaho sa Kapuso Network ang nagpaabot ng pagbati para sa bagong landasin na tatahakin ni Kuya Kim.

Inaabangan na ng mga Kapuso kung ilulunsad na ba siya sa '24 Oras' bilang bagong resident weather forecaster at trivia master, na makakatapat naman ng dati niyang tahanan na 'TV Patrol'.