Isang aspiring president na may pamilyar na pangalan sa larangan ng Philippine politics ang naghain ng kanyang certificate of candidacy ngayong Linggo, Oktubre 3.

Hinihiling ni Tiburcio Marcos sa Commission on Elections (Comelec) na aprubahan ang kanyang kandidatura sa pagka-presidente sa eleksyon sa susunod na taon.

Si Marcos, sa pamamagitan ng kanyang kinatawan, ang unang nag-file ng COC sa pagka-presidente kaninang 11:03 ng umaga--ikatlong araw ng COC filing.

Siya ang ika-8 aspirant sa pagka-presidente.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file sa pagkasenador at party-list sa huling araw

Kaugnay nito, isa pang aspiring senator, na may pamilyar ding pangalan sa local politics, ang naghain ng kanyang COC nitong Linggo.

Nagsumite ng kanyang COC si Luz "Lala Ganda" Aquino, isang independent candidate, sa pamamagitan ng kanyang kinatawan.

Analou de Vera