Nawelcome na nga ang isa sa mga A-listers ng Kapamilya Network, at ngayon ay Kapusong si Bea Alonzo, sa espesyal na araw para sa musical variety show na 'All-Out Sundays' na ang hashtag ay talagang ipinangalan pa sa kaniya.

Image
Bea Alonzo, Julia Ann San Jose, at Gabbi Garcia (Larawan mula sa Twitter)

Image
Bea Alonzo/Larawan mula sa Twitter

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

Image
Bea Alonzo/Larawan mula sa Twitter

Image
Bea Alonzo/Larawan mula sa Twitter

Nakasuot ng pink long gown si Bea at sinamahan siya ng mga Kapuso stars gaya nina Julie Ann San Jose, Rhian Ramos, at marami pang iba. Nagpaabot din ng pagbati sa kaniya sa pamamagitan ng mga video message ang mga Kapuso stars at iba pang mga dating Kapamilya na nasa bakuran na ng GMA Network.

"Abanagn po ninyo ako mga Kapuso sa lahat ng mga shows ng GMA 7," nakangiti at blooming na pangako ni Bea sa lahat ng mga Kapuso.

Samantala, sa 'ASAP Natin 'To naman ay nag-perform ng isang awitin ang dating Kapuso na ngayon ay Kapamilya na si Lovi Poe.