Kung hindi na magkakaproblema, magsisimula na ang second conference ng 2021 Pilipinas VisMin Super Cup sa Pagadian City sa Nobyembre 6.
"We are just waiting for clearance from the Games and Amusement Board (GAB)," pahayag ni VisMin Super Cup chief executive officer na si Rocky Chan noong Biyernes.
"Once we get the clearance, we are looking at November 6 for our return. And like in the first conference, we will hold the second conference in a bubble setup, a hotel-venue-hotel setup."
Nilinaw din ni Chan na mayroon na silang pahintulot mula kay Pagadian City Mayor Sammy Co para magbukas sa Nobyembre 6.
Noong nakaraang unang conference ng liga, ang Visayas leg ay idinaos sa Alcantara, Cebu habang Mindanao leg ay nagsimula sa Ipil, Zamboanga Sibugay at nalipat sa Pagadian City matapos ibaba ang quarantine status sa lungsod.
"We are looking at 12 teams already from Visayas and Mindanao, and more exciting team compositions," dagdag pa ni Chan.
Marivic Awitan