Inamin ni Unkabogable Phenomenal Star na si Meme Vice Ganda na hindi niya bet o gusto bilang jowa si Ion Perez noong una silang magkakilala, dahil wala umano siyang naramdamang sparks dito.

Sa September 29 episode ng 'Soundtrip with Jugs & Teddy', isinalaysay ni Meme kung paano siya nahulog kay Ion. Aniya, bagama't hindi naman talaga maitatangging good-looking ito, ang napansin niya rito ay ang kabaitan nito.

"Naku-cute-an din ako paunti-unti, pero 'di ko talaga siya bet agad. Ang pinaka na-in love talaga ako sa kanya, ang bait talaga. 'Yung buong circle ko, gusto si Ion. Hindi ko pa gusto si Ion talaga, gusto na siya noong buong circle ko," ani Vice.

"Wala kaming sparks. Pero nagagwapuhan ako sa kanya. Alam mo 'yung nilalandi ko siya kasi siyempre malandi ako 'di ba, pero hindi malalim. Hindi agad. Slow burn kumbaga, tapos ang ganda nu'ng pumutok."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Vice Ganda at Ion Perez (Screenshot mula sa YT/ABS-CBN Entertainment

Dumaan umano siya sa mga heartbreaks, naghahanap pa siya ng ibang magmamahal sa kaniya subalit ang ending, hindi naman siya mahal o walang pagpapahalaga man lamang sa kaniya. Si Ion daw, nasa harapan na nga niya, ayaw pa niyang tingnan. Bumabaling pa siya sa iba.

"Tapos nu'ng na-hurt ako, sabi ko, ay 'di ko to deserve. Ang deserve ko talaga, 'yung mabait, 'yung matino. Para naman akong tanga, para naman akong gago, dasal ako nang dasal sa Diyos, 'Lord, bigyan mo naman ako ng mamahalin, bigyan mo naman ako ng magmamahal sa 'kin.' Pero pinipili ko naman 'yung 'di ako mahal, 'yung 'di naman mabuti sa akin. Tapos 'eto, 'yung mabuti nasa harapan ko tapos hindi ko naman pinapansin."

Unang nagka-engkuwentro sina Vice at Ion sa guesting nito sa 'Gandang Gabi Vice' o GGV noong 2018 kung saan nanao si Ion bilang Mr. Universe Tourism 2018.

Pagkatapos ay nakapasok sa It's Showtime si Ion bilang 'Kuya Escort' para sa segment na 'Miss Q&A'. Dito na nagsimulang tuksuhin sa isa't isa ang dalawa, hanggang sa napabalita na nga ang kanilang pagde-date na nga sila at na-meet pa ni Ion ang pamilya ni Vice.

Vice Ganda flexes tandem with Ion Perez amid calls for his expulsion from  'It's Showtime' – Manila Bulletin
Vice Ganda at Ion Perez (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Noong Oktubre 26, 2019, inamin ni Vice Ganda sa national television ang relasyon nila ni Ion, sa kanilang noontime show na 'It's Showtime'.