Bigong naabot ng gobyerno ang ilang target nito ngunit patuloy pa rin ang pagpapaigting ng national vaccination program laban sa coronavirus disease (COVID-19) para sa buwan ng Setyembre.

Ito ang lumabas mula sa datos ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na sinuri ng Manila Bulletin.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

This image has an empty alt attribute; its file name is 34413-419x600.jpeg
Manila Bulletin

Sa target na 25 milyong doses ng bakuna na inasahang maihahatid sa Setyembre, nasa 19, 424,000 doses lang ang nakarating sa bansa mula Setyembre 1 hanggang 30, o katumbas ng 77.696 percent sa target.

Umabot na sa kabuuang 74,707,940 doses ang naihahatid na bakuna sa bansa mula buwan ng Pebrero ngayong taon at inaasahang aabot sa 100 milyong doses sa target na 29.5 milyong doses sa buwan ng Oktubre.

Ang malaking bahagi sa kabuuang bilang o 16,653,440 doses (85.74 percent) sa mga naihatid na bakuna noong Setyembre ay binili ng pamahalaang nasyunal, mga lokal na pamahalaan, at mga pribadong sektor habang nasa 2,770,560 (14.26 percent) naman ay nagmula sa donasyon sa mga bansa mula sa global vaccine sharing initiative, COVAS facility.

Naabot ng gobyerno ang target nitong 20 milyong fully vaccinated na mga indibidwal sa pagtatapos ng buwan kung saan nasa kabuuang 11,894,801 ang naturukan kabilang na ang 4,494,543 Pilipinong nakatanggap ng kanilang unang dose at nasa 7,400,258 na iba pa na nakumpleto ang kanilang ikalawang dose.

Pinataas nito ang kabuuang vaccination numbers hanggang 45,950,753 doses kabilang ang 24,389,958 Pilipino na nakatanggap ng kanilang unang dose at 21,560,795 na fully vaccinated na.

“Mayroon na tayong enough supply and I believe ‘yong pilot lang naman natin initially are only here in Metro Manila. Sa accounting namin, mga 1.2 million lang iyon eh so kayang kaya po natin iyon,” sabi ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Sa kabila ng mga pagsubok sa programa, positibo pa rin si Galvez na kayang maabot ng gobyerno ang target nitong herd immunity o katumbas ng 77 milyong Pilipinong mababakunahan sa pagtatapos ng taon.

Martin Sadongdong