Hindi umano pinagkaitan ng bakasyon ang mga guro sa pampublikong eskuwelahan sa kabila ng pinahabang school year 2020-2021, ayon sa Department of Education (DepEd).

“Teachers had their vacation for school year 2019-2020 from April to May, as well as vacation for SY 2020-2021 from July to September, the difference being that it was pushed back for SY 2020 to 2021 in light of the extended school year,” pagdedepensa ni DepEd Undersecretary at Chief of Staff Nepomuceno Malaluan sa isinagawang virtual press briefing nitong Biyernes, Setyembre 1.

Matatandaang nagrereklamo ang grupo ng mga guro kaugnay ng "walang-tigil" na trabaho, lalo na pagsisimula ng klase nitong Setyembre13.

Gayunman, ipinaliwanag ng opisyal na makukuha pa rin umano ng mga guro ang kanilang bakasyon.“Nonetheless, in previous years, teachers were paid during these vacations through the commensurate and proportional vacation pay (PVP),” banggit ni Malaluan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Idinagdag pa nito na batay lamang ito sa pagkalkula alinsunod saDepEd Memorandum No. 56 series of 2021 na pinamagatang “Computation of Public School Teachers Proportional Vacation Pay for School Year 2020 -2021.”

Merlina Malipot