Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng road reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila simula 11:00 ng gabi ng Biyernes,Oktubre 1 hanggang Oktubre 4.

Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kabilang sa kukumpunihin angEDSA Caloocan (Southbound) pagkatapos ng B. Serrano St. (4thlane buhat sa sidewalk); C-5 Road Northbound bago Mckinley (4thlane);España Boulevard (mula Extramadura St. hanggang M. Dela Fuente St.);C.P Garcia Ave. bago Krus na Ligas (2ndlane magmula sa sidewalk); atEDSA Tramo Flyover Aurora Blvd. (Tramo Off Ramp), Pasay City.

Bubuksan ang lahat ng apektadong kalsada sa Lunes, Oktubre 4 sa ganap na 5:00 ng madaling araw.

Pinapaalalahanan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Bella Gamotea