Tatlong drug personalities ang natimbog ng mga awtoridad matapos silang masamsaman ng iligal na droga na nagkakahalaga ng ₱6,800,000 sa ikinasang buy-bust operation sa Parañaque City, nitong Setyembre 30.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Esmail Taha Abdilla, alyas “Waway Taba”, kasapi ng Arman Apinado Robbery at Illegal Drug Group na nasa kategoryang High Value Individual (HVI) Top 10 Priority Target on Illegal Drugs Rank No. 5); Salahudin Burak Zumbaga; at Amad Abo. 

Sa report, inaresto ng mga Police-Drug Enforcement Group (PNP DEG) at Station Drug Enforcement Unit ng Parañaque City Police  ang mga suspek sa Dr. A. Santos Ave., Brgy. San Dionisio, dakong 4:30 ng hapon.

Nakumpiska sa mga ito ang isang kilo ng shabu; isang kotse; marked money; at apat na cellular phone.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Nahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bella Gamotea