Pag-aaralan pa ng Malacañang ang naging panawagan ng mga business at labor leaders kay Pangulong Rodrigo Duterte na kaagad na magpalabas ng Executive Order (EO) na magpapaliban sa pagtataas sa monthly Social Security System (SSS) contributions ng mga manggagawa at employers.

“Hindi ko alam kung kakayanin ‘yan ng EO kasi ang pinapaliban nila ay ‘yung monthly contribution,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Sa tingin ko po pag-aaralan ‘yan ng ehekutibo dahil ang isyu baka kinakailangan po ng batas,” dagdag na pahayag ni Roque.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa joint letter na may petsang Setyembre 27, sinabi ng mga grupo ng business at labor leaders na ang pagpapalabas ng EO ay kailangan para payagan ang mga nakikipaglabang micro, small and medium enterprises (MSMEs) na maipagpatuloy ang operasyon ng kanilang negosyo at mabigyan ng hanapbuhay sa gitna ng humahabang hamon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Beth Camia