Natatawa na lamang ang dating 'Pinoy Big Brother' housemate at ngayon ay aktor na si Marco Gallo kapag sinasabing siya na raw ang 'New Male Sex Symbol' dahil sa kaniyang walang kiyemeng pagpapakita ng puwet sa pelikulang 'Ang Manananggal na Nahahati ang Puso' sa direksyon ni Darryl Yap.

Tila sumusunod na umano siya sa yapak ng isa pang Marco na si Marco Gumabao na co-star niya sa TV5 teleserye na 'Di Na Muli' kasama si Julia Barretto.

Para kay Marco, marami pa siyang kakaining bigas lalo na sa pagpapaganda ng katawan; subalit kung siya ang tatanungin, naseseksihan na siya sa sarili niya. Unti-unti ay sinasanay na niya ang sarili sa mga ganitong eksena.

Dahil umano sa kaniyang butt exposure ay nakakatanggap na siya ng indecent proposals. Kuwento niya, may nag-email daw sa kaniya at inaaya siyang magtungo sa bahay nito upang mag-lunch, na may kabayarang ₱35,000.

Pelikula

Vice Ganda, sumawsaw sa iringan ni Carlos Yulo at pamilya?

Larawan mula sa IG/Marco Gallo

Hindi umano niya ito pinatos dahil naniniwala siya na walang short cuts sa pagkita ng pera: lahat ay nadadaan sa sipag at pagtitiyaga. Hindi umano niya 'ibebenta' ang kaluluwa sa mga halang ang bitukang hayok sa laman.

Ayon naman sa direktor na si Darryl Yap sa panayam ng Cinema Bravo, hindi lamang puwet ang ipinakita ni Marco sa pelikula: may eksena raw itong ipinakita ang 'Santolan' station nito kaya kailangan daw itong abangan ng mga tagahanga ng aktor.

Screenshot mula sa YT/Cinema Bravo

"Talagang naloka kami sa kaniya," natatawang salaysay ni Direk Yap. "Ni ayaw nga niyang magpalagay ng plaster sa ano niya, kasi sasabit daw sa... pasensya na ganito ako magkuwento ah, sa pubic hair niya..."