Trulalu kaya ang chikang ang tinutukoy na isang magaling at sikat na aktres na napababalitang buntis, ay walang iba kundi si Jennylyn Mercado?

Ayon sa blind item ng Philippine Entertainment Portal o PEP, sa isang set daw ng shooting ng isang teleserye ay bigla na lamang umanong may dumating na ambulansya. Natakot at naalarma ang lahat dahil inakala nilang may nagpositibo sa kanila para sa COVID-19.

Hindi man sa virus, sa ibang test naman daw nagpositibo ang naturang aktres: sa pregnancy test!

Hula ng mga Maritess, ito ay si Jennylyn Mercado na katambal ni Xian Lim sa teleseryeng 'Love. Die. Repeat' na kamakailan lamang ay napabalita ring naunsyami at napack-up ang taping dahil sa isang emergency.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Samantala, kumakalat din ang balitang may mahalagang anunsyo umano sina Jennylyn at ang jowang si Dennis Trillo, na bida naman sa umeere nang teleserye na 'Legal Wives'.

Pitong taon na ang relasyon nina Jennylyn at Dennis. Kung sakaling totoo ito, hindi ito ang unang beses na magdadalantao ang aktres. 13 years old na ang anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia, at si Dennis naman ay may anak din sa dating karelasyon na si Carlene Aguilar.

Jennylyn Mercado, Dennis Trillo celebrate 7th year as sweethearts – Manila  Bulletin
Dennis Trillo at Jennylyn Mercado (Larawan mula sa Manila Bulletin)

As of this writing ay wala pa namang opisyal na pahayag ang couple, o maging ang Kapuso Network hinggil dito.