Maghahain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China kaugnay ng umano'y nakaaalarmang aktibidad ng mahigit sa 150 Chinese vessels sa West Philippine Sea.

Ito ang naging hakbang ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin nitong Huwebes bilang tugon sa ibinunyag ni Muntinlupa Rep. Rozzano Rufino "Ruffy" Biazon na nananatili pa rin ang mga nasabing barko sa WPS at palipat-lipat lang sila ng puwesto

“@DFAPHL File now our protest on Chinese radio challenges unlawfully issued against Philippine maritime patrols,” Locsin said in his first tweet, without providing any details about the incident,” ayon sa tweet ni Locsin. Si Locsin ay kasalukuyang nasa United States.

Sa sumunod na social media post ni Locsin, inatasan nito ang DFA na maghain din ng protesta dahil sa patuloy na pananatili ng mga Chinese fishing vessel sa bisinidad in Iroquois Reef na isa lamang sa bahagi ngSpratly Islands na nasa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Iniutos din nito sa kanyang ahensya na magsampa ng protesta laban sa China dahil sa patuloy at iligal na paghihigpit sa mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc.

Ang Bajo de Masinloc na kilala rin bilang ScarboroughShoal o PanatagShoal ay tinatayang 119 nautical miles mula sa Infanta sa Pangasinan, ayon sa DFA.

Matatandaang naggirian ang mga tauhan ng Philippine Navy na noo'y sakay ng BRP Gregorio del Pilar at ang mga Chinese marine surveillance vessels dahil sa iligal na pagpasok ng mga ito sa lugar noong Abril 2012.

Noong Marso ng nakaraang taon, nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at ng Beijing matapos pumasok nang walang paalam ang mahigit sa 200 Chinese vessels saJulian Felipe Reef (Whitsun Reef) at sa iba pangmaritime features nito na nasa EEZ ng bansa.

Dahil dito, naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China batay na rin sa rekomendasyon niNational Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Roy Mabasa