Pinag-uusapan ngayon sa social media ang pinakabagong 'connect-the-dot' ng mga certified Maritess, kung sino nga ba ang taong kumuha ng shot sa isa sa litrato ng hunk actor na si Aljur Abrenica, habang siya ay topless, may hawak na mug, at tila nag-eemote sa ilalim ng isang mayabong na puno, sa tapat ng bintanang may itim na rehas.

No description available.

Nagsimula ang lahat sa blind item ng kilalang negosyante at personalidad na si Christian Albert 'Xian' Gaza, na naging kontrobersyal dahil sa mga umano ay negosyo nitong scam.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"EXCLUSIVE TSISMIS BY XIAN GAZA. SO ONE TIME, ISANG MALAMIG NA MADALING ARAW SA METRO MANILA, NAG-INIT ANG HOTDOG NI A.A. KAYA NAISIPAN NIYANG I-CHAT SI MS. VIVA UPANG IMBITAHIN ITONG MAG-NETFLIX & CHILL SA KANYANG BAHAY," panimula ni Gaza.

"SABI NI MS. VIVA, HINTAYIN KO MUNANG MAKATULOG SI FATHERLILY KASI PANIGURADONG HINDI AKO PAPAYAGAN. TATAKAS AKO, BABY. DON'T CHU WORRY. AFTER MAKATULOG NG KANYANG AMA, AGAD-AGAD NIYANG KINUHA ANG SUSI NG BAGONG SASAKYAN NA REGALO NG KANYANG TATAY. FORTUNER ATA? NOT SURE LANG. MINESSAGE NIYA SI A.A. PARA SABIHIN NA CHILL KA LANG DIYAN BABY AT ON THE WAY NA KO SA HOTDOG MO."

"NAGMANEHO SI MS. VIVA MULA PAMPANGA HANGGANG METRO MANILA… BOOM! SIYA AY NABANGGA! MINOR CAR ACCIDENT! THANK GOD AT SAFE SIYA. HINDI NATULOY ANG NETFLIX & CHILL AT MAGDAMAG SUMAKIT ANG PUSON NI A.A., KAWAWA."

"KINAUMAGAHAN EH GALIT NA GALIT ANG FATHERLILY NI MS. VIVA DAHIL NGA NABANGGA ANG KANILANG BRAND NEW CAR. KINUMPISKA ANG SASAKYAN AT GROUNDED SIYA FOR HOW MANY WEEKS NANG DAHIL SA HOTDOG NI A.A."

Espekulasyon ng mga Maritess, ang tinutukoy sa blind item ay ang young sexy actress na si AJ Raval, anak ng action star na si Jeric Raval Matapos nito, kumalat kaagad sa TikTok ang video ni AJ Raval mula sa kaniyang vlog na may pamagat na 'Cleaning my Room' noong May 18, kung saan makikitang nagwawalis-walis si AJ, at maya-maya ay ipinakita ang view sa labas ng kuwarto. Makikitang tila magkapareho umano ang ipinakita niyang view sa labas ng bintana, sa pinuwestuhan ni Aljur, sa kaniyang IG photo kung saan nga topless ito habang may hawak na mug at nag-eemote-emote!

AJ Raval/Screenshot mula sa YT

AJ Raval/Screenshot mula sa YT

Sa isa pang Facebook post ni Gaza, nilinaw niya na hindi si AJ ang third party sa relasyon nina Aljur at Kylie Padilla, dahil nangyari umano ang mga pangyayari sa kaniyang blind item, na hiwalay na ang dalawa.

"Just to be clear. Sa lahat ng tsismis at intel na nasagap ko about them, one thing is for sure: Si AJ ay hindi 3rd party kay AA at KP. Nangyari lahat ng eksena after the hiwalayan. Ito na ang huling post ko about them. Let's all move on mga Mars. Goodnight," ani Gaza, na mukhang naglunsad ng isang 'chismis app' na 'Isyus.'

Larawan mula sa FB/Christian Albert Gaza

Nang malaman umano ni AJ ang tungkol sa isyung ito, inalmahan at pinabulaanan niya ito, dahil edited daw ang mga larawang ibinahagi sa video sa TikTok.

Unang nakilala si AJ bilang isa sa mga cast members ng pelikulang 'Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar' ni Direk Darryl Yap.

Panoorin ang naturang vlog mula kay AJ Raval via YouTube channel: