Namimighati ngayon sa kalungkutan ang tinaguriang 'Pop Rock Royalty' na si Yeng Constantino dahil sa pagpanaw ng kaniyang mahal na ina.

Makikita sa kaniyang Instagram posts ang mga larawan ng kaniyang ina. Hindi niya dinetalye ang dahilan ng pagkawala nito.

"Paalam, Mama," simpleng caption niya.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Larawan mula sa IG/Yeng Constantino

Marami naman sa mga kasamahang celebrity sa showbiz ang nagpaabot ng kanilang taos-pusong pakikiramay. Isa na riyan ang kasamahang singer na si 'Queen of Teleserye Theme Songs' na si Angeline Quinto, na nakaka-relate sa kaniya, dahil iniwan na rin ito ng kaniyang kinalakhang inang si 'Mama Bob.'

Si Yeng Constantino ay Grand Winner ng 'Pinoy Dream Academy' sa ABS-CBN noong 2006.