Naghain ng panukalang batas ang isang kongresista upang obligahing magpabakuna ang mga karapat-dapat na tatanggap nito.

Inihain ni San Jose Del Monte City, Bulacan Rep. Florida Robes, ang House Bill No. 10249 na kilala bilang An Act Providing for Mandatory Covid-19 Vaccine for All Filipino Citizens Eligible to Receive the Vaccine and Appropriating Funds, para sa sapilitang pagkakaloob ng Covid-19 vaccine sa lahat ng Pinoy at mga naninirahan sa Pilipinas na may karapatang tumanggap ng bakuna.

Sa ilalim ng panukala, lahat ng gastusin para sa Covid-19 vaccine ay tatanggap ng buong suporta mula sa pamahalaan habang papayagan din ang mga pribadong kompanya na bumili ng bakuna basta’t ipamamahagi ito ng libre sa kanilang mga kawani.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang mga tatanggi namang magpabakuna ng wala namang matibay na dahilan ay papatawan ng parusang pagkabilanggo ng hanggang 30 na araw o multang aabot sa 10,000.00 kapag naisabatas na ang panukala.