Ginulat ni Yasmin Marie Asistido o mas kilala bilang "Kween Yasmin" ang netizens sa kanyang first-ever photoshoot.

Animo'y rarampa sa runway ang postura ni Kween Yasmin sa kanyang makulay na kasuotan.

Larawan: UnframedPixel/FB

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Pinangunahan ng UnframedPixels ang kanyang photoshoot.

Samantala, Maleficent naman ang naging tema ng kanyang pangalawang kasuotan.

Larawan: UnframedPixels/FB

Nagpasalamat naman si Kween Yasmin sa mga sumuporta sa kanyang unang photoshoot.

"#1stLayout of My Photoshoot "Kween Yasmin" I'm so happy because, this is my first time Photoshoot ever since Give A Time, Effort, and of course the layout design of my outfits and so all. I am Overwhelmed with all of this," pahayag ni Kween Yasmin sa kanyang Facebook post.

Si Kween Yasmin ay isa sa mga sumikat na online sensations ngayong pandemic. Sa ngayon, mayroon na siyang 111k subscribers sa kanyang opisyal na YouTube account.