Mukhang 'long distance relationship' o LDR muna ang peg ng magjowang sina Julia Barretto at Gerald Anderson dahil pareho silang abala ngayon sa kani-kanilang mga showbiz career.

Si Julia ay may bagong teleserye sa TV5 na 'Di Na Muli' katambal ang dalawang Marco, na sina Marco Gumabao at Marco Gallao.

Si Gerald naman ay lumipad na sa Vienna, Austria kasama ang production team, para sa panibagong pelikula nito, na nasa ilalim ng MavX Productions. MavX Productions ang production company na nag-produce ng 'A Faraway Land' nina Paolo Contis at Yen Santos, na kamakailan lamang ay naging kontrobersyal dahil nataon pa sa hiwalayang Paolo at LJ Reyes.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Larawan mula sa IG/Gerald Anderson

Panalangin ng mga tagahanga nina Julia at Gerald, sana raw ay buo pa rin ang pagmamahal ni Gerald kapag umuwi na siya sa Pilipinas. Napansin kasi ng ilang mga netizens na nauugnay kay Gerald ang mga babaeng nakakatambal niya sa pelikula. Ang huling pelikula ni Gerald ay ang 'Between Maybes' noong 2019 kung saan nakatambal niya si Julia, na girlfriend na niya ngayon.

Sa lahat ng mga nakatambal ni Gerald sa pelikula, mukhang ang aktres na si Arci Muñoz ang hindi naiugnay sa kaniya in a romantic way.

Samantala, kinilig at biglang nahiya si Julia Barretto nang mag-comment si Gerald sa kaniyang latest Instagram live.

"Notice me please," ani Gerald.

Sabi naman ni Julia, "Love! You're gonna make me shy!"