Mukhang ngangerz na ngayon ang 2 million followers ng kontrobersyal na aktres na si Yen Santos, matapos nitong burahin ang lahat ng photos at videos na nasa kaniyang Instagram account: maging ang kaniyang mga fina-follow ay tanggal na rin.

Malaking tanong ng mga sawsawerang Maritess at Mosang: VHAKET KAYA?!!

No description available.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matatandaang dinadawit siya sa hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes, lalo't na nang maispatan silang magkasama ng aktor sa Baguio City. Lalo pang nagningas ang apoy na may namamagitan nang espesyal sa magkatambal sa pelikulang 'A Faraway Land' nang aminin mismo ni Paolo na sila nga ang magkasama ni Yen. Si Yen umano ang naaya niya dahil sa bandang Norte ito nakatira.

Pagtatanggol naman ni Manay Lolit Solis na talent manager ni Paolo, talagang magkaibigan lamang sina Paolo at Yen, pero kapag natatanong siya kung posible kayang may namuong damdamin sa isa't isa ang dalawa, diretsahan niyang sinasabi na posible. Isa pa umanong dahilan, 'mother figure' daw kasi si Yen.

Narito naman ang ilang espekulasyon ng mga netizens.

"Di kinaya ni Ate lahat ng bashing. I'm thinking nagsisisi na siya sa mga ginawa niya. Doon pa lang sa pagsama niya kay Paolo kahit sabihin na natin na walang ibang pakay eh kundi friendship lang eh. Hello, mga celebrities kayo, malamang talagang iintrigahin kayo ng mga tao. Pakialam ba nila kung private people kayo."

"Ayyy starting all over again ba ang peg?"

"Baka hindi na niya kinakaya ang mga intriga at down na down siya ngayon, need din niya magmuni-muni tapos tatawagan niya si Paolo as a friend, ayain niya ulit sa Baguio hahaha.

How did Paolo Contis and Yen Santos film 'A Faraway Land' in the middle of  the pandemic – Manila Bulletin
Yen Santos at Paolo Contis (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Hanggang ngayon ay hindi pa ipinaliliwanag ni Yen sa kaniyang panig hinggil sa isyu.