Binuksan ng Far Eastern University (FEU) Alabang ang isang vaccination site upang mailunsad ang pagbabakuna para sa FEU Group of Schools at mga ka-partner na kompanya.
Bukas ang vaccination site para sa lahat ng mga empleyado ng FEU at mga miyembro ng buong Ayala Group of Companies.
Maaring magpa-schedule sa pamamagitan ng AC Health Now App na lilimitahan hanggang 500 indibidwal sa loob ng isang raw.
Nagsimula ang programa nitong Hulyo 8 kasunod ng pagdating ng kauna-unahang batch ng FEU-procured Moderna vaccines.
“We are preparing to welcome back some of our students to limited face-to-face classes and one major step is to ensure that our faculty and employees are protected from having severe-illness episodes,” sabi ni FEU President Michael Alba.
Ayon kayHealthway’s Medical Affairs Head Dr. Manuel Gregory Duran Jr., isang ideal vaccination site ang FEU Alabang dahil sa lokasyon nito, malinis at maayos nitong mga pasilidad.
Noong nakaraang taon, matatandaang nagpahiram ng gym ang FEU Alabang kung saan nagsilbi itong pansamantalang tahanan ng mga empleyado ng Research Institute of Tropical Medicine.
Gabriela Baron