Nag-eenjoy umano ang dating 'Wowowee' dancer at host na si RR Enriquez sa pagtawag sa kaniyang 'sawsawera' o taong mahilig makisawsaw sa mga showbiz issues na pinag-uusapan ngayon sa social media, kahit na wala naman siyang kinalaman o hindi naman sangkot dito.

Ilan sa mga isyung kinomentuhan niya ay ang tungkol sa relasyong Gerald Anderson at Julia Barretto, ang paliwanag ni Paolo Contis sa isyu ng hiwalayan nila ni LJ Reyes at pagkakasangkot ni Yen Santos, ang pambubuking ni Manay Lolit Solis na may utang sa kaniya ang aktor na si Mark Herras, at nitong huli nga ay pagtatanggol niya kay Toni Gonzaga sa ginawa nitong panayam kay BBM.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/11/rr-enriquez-sumawsaw-kaming-mga-babae-hindi-sumasama-sa-lalaki-mag-isa-as-a-friend-lalo-ang-layo-ng-bibiyahihin-namin/

Dahil diyan, si RR na mismo ang nagbansag sa sarili bilang 'Queen SawsaweRRa.'

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"I must say, na kaya ako nakikisawsaw eh dahil gusto ko pa ring maramdaman ang showbiz (tawa), nakakatawa no, but that's not the reason kung bakit ako nakikisawsaw, sobrang layo ng pakikisawsaw ko para maramdaman itong showbiz, hindi ito yung pinapangarap ko for now, coz I'm happy sa kung anuman ang meron ako ngayon," paliwanag ni RR sa isang video message, na itinampok naman sa Ogie Diaz Showbiz Update.

RR Enriquez (Screenshot mula sa YT)

Sa ngayon ay abala si RR sa pagiging negosyante niya, at sa totoo lang daw, nag-eenjoy siya sa pagiging sawsawera.

Real talk, nakatutulong umano sa kaniyang negosyo ang mga trending na banat niya, lalo na't naibabalita pa ito. Kumbaga ay may benepisyo rin siyang nakukuha mula rito, kahit na wala siyang talk show vlog o entertainment vlog. Puwede raw niyang gawin ang pakikisawsaw hanggang sa pagtanda.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/19/queensawsawerra-rr-enriquez-tinalakan-ang-mga-bashers-nina-toni-bbm/

Hindi rin umano pikunin si RR pagdating sa pakikipagpalitan ng komento sa mga bashers. Game na game siyang makipagbardagulan.

Sa vlog naman ni Aiko Melendez, ipinaliwanag din ni RR na minsan, ginagawa niya ang pakikisawsaw dahil nababagot siya, lalo na sa panahon ngayon ng pandemya.