Ibinahagi ng Kapuso actor na si Mark Herras na ikinasal na sila ng kaniyang fiancee na si Nicole Donesa, na ibinahagi lamang nitong Setyembre 19, 2021, bagama't noong Setyembre 8 pa ito naganap, sa pamamagitan ng civil wedding.

"Got married! Hi Mrs. Herras," saad sa kaniyang caption. Makikita rito ang kanilang mga larawan at video. Mismong si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nagkasal sa kanila sa QC City Hall.

"We tied the knot on Mama Mary’s birthday," kumpirmasyon naman ni Nicole sa kaniyang Instagram post.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Mark Herras at Nicole Donesa (Larawan mula sa IG/Mark Herras)

Mark Herras at Nicole Donesa (Larawan mula sa IG/Mark Herras)

Na-engage ang dalawa noong Hunyo 2020, at sila ay may anak na lalaki na nagngangalang 'Corky' na isinilang noong Enero 31, subalit pormal nilang ipinakilala sa publiko noong Pebrero 1.

“Thank you, Lord, dahil healthy ang bibiboy namin,” masayang saad ni Mark sa kaniyang Instagram post.

“Simula na ng mga sleepless nights pero worth it naman kasi ang tagal naming hinintay si Corky. At dahil anndito ka na ngayon, gagawin namin ni mammeeh lahat para sa'yo! Mahal na mahal ka namin Corky to infinity and beyond.”

Larawan mula sa IG (Mark Herras)

Mark Herras baby
Larawan mula sa IG (Nicole Donesa)

Ilan sa mga naging ex ni Mark bago lumagay sa tahimik ay sina Cristine Reyes, Jennylyn Mercado, Ryza Cenon, Rhian Ramos, Lian Paz, Ynna Asistio, Diane Evangelista, at Winwyn Marquez. Naugnay naman si kay Marian Rivera noon subalit sinabi ni Marian na magkaibigan lamang sila ni Mark.