CAMP SIONGO, Maguindanao - Walo ang naiulat na nasugatan nang bombahin ng mga hindi nakikilalang lalaki ang isang covered court sa Datu Piang ng lalawigan, nitong Sabado ng hapon.
Paliwanag ni Lt. Col. John Paul Baldomar, ng 6th Infantry Battalion ng Philippine Army, pinasabog ang bomba habang may maglalaro ng volleyball, dakong 3:00 ng hapon.
Walo sa nanonood ang nasugatan at kaagad silang isinugod sa ospital, ayon sa militar.
Inaalam pa ng militar kung gumamit ng cellular phone ang mga suspek bilang gatilyo ng pinasabog na bomba.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente.
PNA